Thursday, July 18, 2019

Pangarap

ABSTRAK


Related image

Ang pangarap ay nagsasaad ng iyong tagumpay sa buhay at ito ang iyong ninanais na makuha bilanglayunin mo sa iyong sarili. Upang makamit mo ito kailangan mo ng tiyaga sa iyong sarili at kasipagan.Hindi sapat na ang isang tao ay may mayroon lang pangarap. Kailangang nya itong samahan ng tiwalasasarili at paggawa. Bawat taong nabubuhay dito sa mundong ibabaw ay may kani-kaniyang pangarap.Malaki ang papel na ginagampanan nito sa ating buhay. Dahil dito, lumuluha tayo nang hindi natin alamat ngumingiti tayo nang hindi natin namamalayan. Lahat ng bagay na akala natin ay hindi natin kayanggawin ay ating nagagawa dahil sa ating determinasyon, tiwala sa sarili at pagsisikap para lang maabotang pinakamimithinating pangarap. Naaalala ko pa ang paboritong itanong ng aking mga guro noong
ako’y nasa elementarya pa lamang at lalong
-
lalo na noong ako’y sumampa na sa hayskul
. Gusto kongmaging isang tanyag na guro upang maibahagi ang aking alam, maging inspirasyon at humubog ng mgamag-aaral na magsisilbing pag-asa ng ating hinaharap. Itinuturing kong bagong bayani ang mga guro.Sapagkat sa guro nakasalalay ang mga buhay at pangarap ng mga batang ipinagkatiwala sa kanila ng mgaumaasang magulang. Bagkus, sa guro nakasalalay kung ilan sa mga tinuturuan niya ang mamumuno ngbansa, papatay ng tao, magiging artista o magiging isa na namang guro at marami pang iba. Kaya para saakin, masaya at masarap maging isang guro. Nagbabahagi ka na ng iyong kaalaman, may natutunan kapang bago sa mga tinuturuan mo. Matututunan mong humarap sa ibat-ibang klase ng tao. Mula sapinakamababa hanggang sa pinakamataas. Matututunan mong magpahaba ng pasensya sa mga taongmakukulit at bastos. Matututunan mo kung paano rumespeto at dumisiplina ng sarili at ng ibang tao.Matututunan mong magsakripisyo alang-alang sa ibang tao. Matututunan mong makinig sa problema atpayo ng iba at gawan ito nang solusyon para sayo at para na rin sa ibang tao.






“Prinsipyo ng Lipunang Pilipno”

SINTESIS O BUOD

Ang alamat ng gubat ay sumasailalim sa pagkatao ng bawat Pilipino. Ang bawat karakter sa alamat ng gubat ay merong sariling prinsipyo at pangmataasan ng ugali. Ang alamat ay hindi lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat Pilipino ay gagawin ang lahat para lang sa pamilya ganyan din si tong na ginagawa ang lahat para sa ama na may sakit. Ang alamat ay hindi lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat karakter sa alamat ng gubat ay nagpapakita ng pangmataasang ugali sa bawat isa, Isa na dito ang mga hayop at insekto na inaawayan kung sino ang maghari. Sa paglalakbay ni tong sapaghahanap ng puso ng saging marami pang nadaanan bago makarating sa puso ng saging. Mahahalintulad ito sa Pilipino na maraming dadaanan na problema at pagsubok na tatalakayin bago makuha ang inaasam. Ang alamat ng gubat ay hindi lang pambata na kwento ito ay sumasalamin at ordinaryong pangyayari sa mga tao sa lipunan na ang ibang tao gustong makuha kung ano ang gusto.
Sa panahon ngayon ganyan ang nanyayari sa ating bansa na ang taong gusto maging lider ay gusto lang para umangat ang sariling kapakanan hindi sa lahat. Sa alamat ng gubat ni bab ong ay kailangan mong may disciplina at prinsipyo sa sarili dahil ito nakapagbigay ng magandang halimbawa ng mga tao. Ang pagiging isang Pilipino ay merong mapangapi at may inaapi. Ang panahon natin ngayon ay imbis na umunlad tayo, nag hilaan pababa ang mga tao sa tingin na nauuna ang iba.



Espesyal na Pagpupulong sa Bahay nila Ginoong Lopez

KATITIKAN NG PULONG

Agenda: Pagplaplano tungkol sa Christmas Party at Acquaintance Party
Mga Dumalo: Ricardo Ledesma, Albert Martinez, Rica Apolonio, Sebastian Lapenna, Fernando Pante

Napag-usapan ang mga planong gagawin sa darating na pag-gunita ng Pasko. Isa na rito ang Children’s Party kung saan napag-usapan ang mga ihahanda sa mga sumusunod;

1. Regalo para sa mga batang dadalo at makikilaro sa araw na ito,      bibigyang prayoridad ang mga batang anak ng mga lihitimong     miyembro ng asosasyon. Ang mga bagay na makikinabangan ay tulad ng   lapis, papel, carayola, at iba pa. Sasamahan din ito ng candy,   tinapay, at tubig na ibibigay sa mga bata.
2. Gagawa rin ng sulat para mapasalamatan ang mga sponsors.
3. Ang mga pagkain o miryenda ay ginagawan ng estimate sa kabuuan      ng  200 na kataong dadalo.
4. Ang sound system ay ipapareserba na sa barangay at ilang mga       upuan na gagamitin.
 5. Tulad ng dati kukuha ng Clown upang siyang magpalaro sa mga bata.
 6.  Ang buong okasyon ay kukuhanan ng video at larawan.


 Napagusapan rin ang tungkol sa “Gabi ng Mararigue” o Acquaintance Party na para sa mga katandaan, ilan ditto ang planong programa rito ay mga sumususunod; 

1. Pagkain o Miryenda na maari ring i-solicit sa mga miyembro ng asosasyon.
2. Magbibigay rin ng mga Special Award para sa mga naturingang sponsors at huwarang mga miyembro o mamamayan ng San Manuel.
3. Sa gabing ito kinakailangan rin ng mga tutogtog, aawait at mga sasayaw, at mag-in-intermisyon number. Kukuha rin ng mga dance instructor na siyang magpapasimula sa mga sayawan.
4. Ang pagkasunod-sunod ng mga programa ay ina-ayos na rin.
5. Ang panahon rin ay tinitignan at pinag-aaralan na kung sakali ay umulan ay may masisilngan, kung kaya maghihiram rin ng mga 5 tent sa munisipyo.
6. Kailangan rin ng mga pakulo upang hindi mainip ang mga dadalo.




Kahirapan
TALUMPATI

Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon? Pagbebenta ng droga? O kahirapan? Ito ay mga problema sa ating bansa na hindi mawala-wala sa ating mga isip. Ang aking napagtanto na lahat ng mga problemang aking nabanggit kanina ay resulta ng kahirapan? 

Kahirapan ang isa sa mabigat na problema ng ating bansa. Ang dahilan ng kahirapan ay ang mga sumusunod;
1. Ang dahilan ng kahirapan sa Pilipinas ay kakulangan ng pagtutulungan
2. Digmaan .
3. Pagmamalabis
4. Krisis
5. Maling pagtrato sa mga pulubi at mahihirap.
6. Ibang priority ng may hawak ng pera
7. Kakulangan sa pangangalaga sa kapakanan ng mga halaman at hayop.
8. Pagtago ng pera ng ilan at hindi pinaiikot. 
9. Nabalitang corruption.
10. Kakulangan ng disiplina ng mga tao .


Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan.
Disiplina nga ang kailangan. Karamihan sa atin, lahat na ng pangit na nangyayari sa buhay nila, sa gobyerno nila sinisisi. Hindi sila nakapag aral, gobyerno ang sisisihin, wala sila trabaho, gobyerno nanaman ang may kasalanan. Wala silang makain, gobyerno nanaman. Nakakapagtaka tuloy bakit may mga indibibwal na nagmula din sa miserableng buhay, subalit sa pagsisikap ay nakaahon. Disiplina nga ang kailangan. Kapag may disiplina lahat ng magagandang kaugalian ay susunod na. Matutong magsipag at magtiyaga ang isang tao. Hindi rin gagawa ng mali. Hindi rin aasa lang sa bigay ng gobyerno at lalong hindi nito sisisihin ang gobyerno.

Bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin aking makakaya para hind imaging isang mahirap at hindi maituring na isang  basura lamang sa aking  lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral  nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi lahat tayo, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit, maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.




BIONOTE




Image may contain: 1 person Si Reoconsuelo D. Natividad, ipinanganak noong January 29, 2002. Anim silang magkakapatid na sina Sherene Natividad Silvania, Sheila Natividad Garcia, Heherson Danipog Natividad, Clarisa Danipog Natividad (ang kanyang kapatid na si Clarisa ay patay na), at si Wilson Danipog Natividad. 

Nag-aral siya ng elementarya sa Mararigue Elementary School (Mararigue, San Manuel, Isabela). Taong 2017-2018 grumaduate siya ng junior high scholl sa Malalinta National High School. Sa kasalukuyan nag-aaral pa lang siya ng Senior High School sa Malalinta National High School (Malalinta National High School).


ADYENDA

Adyenda- listahan, plano, o balangkas ng mga pag-uusapan,dedisyunan o gagawin sa isang pulong. Ito ay kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito sa indibwal. Ginagamit din sa pagtukoy sa gawaing dapat aksyunan o bigyan prayoridad tulad ng sosyo-ekonomiko ng Adyenda sa Pilipinas. 

KAHALAGAHAN


1. Katuturan at kaayusan ng daloy ng pulong. 
2. Nalalaman din ang pag-uusapan at isyu. 
3. Nabibigyan ng pagkakataon tantyahin ang oras. 

4. Naiiwasan ang pagtalakay ng usaping wala sa adyenda. 

Mga Hakbang sa Pagsulat 

        1.  Magpadala ng isang memo na magkakaroon ng isang pulong sa tiyak    na  paksa.
· 2. Ilahad sa memo na kailangan nilang kumpirmahin kung sila’y dadalo at magpadala ng paksang nais bigyang pansin.
· 3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag lahat ng adyenda ay nalikom na. Ilagay sa talahanayan kasama ang taong tatalakay.
· 4. Ipadala ang sipi sa mga taong dadalo,dalawa o isang araw bago ang pulong huwag kalimutan kung kailan at saan.

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda

·  1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
·  2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa.
· 3. Manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging flexible kung kinakailangan. Sundin ang itinakdang oras sa pagtalakay ng paksa.
·  4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda. Maglagay ng palugit o sobrang oras.
·  5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama sa adyenda.

     Halimbawa:
    Agenda: Pagplaplano tungkol sa Christmas Party at Acquaintance Party
Mga Dumalo: Ricardo Ledesma, Albert Martinez, Rica Apolonio, Sebastian Lapenna, Fernando Pante

Napag-usapan ang mga planong gagawin sa darating na pag-gunita ng Pasko. Isa na rito ang Children’s Party kung saan napag-usapan ang mga ihahanda sa mga sumusunod;
1. Regalo para sa mga batang dadalo at makikilaro sa araw na ito,      bibigyang prayoridad ang mga batang anak ng mga lihitimong     miyembro ng asosasyon. Ang mga bagay na makikinabangan ay tulad ng   lapis, papel, carayola, at iba pa. Sasamahan din ito ng candy,   tinapay, at tubig na ibibigay sa mga bata.
2. Gagawa rin ng sulat para mapasalamatan ang mga sponsors.
3 3. Ang mga pagkain o miryenda ay ginagawan ng estimate sa kabuuan      ng  200 na kataong dadalo.
4 4. Ang sound system ay ipapareserba na sa barangay at ilang mga       upuan na gagamitin.
5 5. Tulad ng dati kukuha ng Clown upang siyang magpalaro sa mga bata.
6 6.  Ang buong okasyon ay kukuhanan ng video at larawan.
    

Pangarap ABSTRAK Ang pangarap ay nagsasaad ng iyong tagumpay sa buhay at ito ang iyong ninanais na makuha bilanglayunin mo s...